Narito ang tinatawag na GLOBAL WARMING o ang pataas ng temperatura ng mundo na nagiging sanhi ng pabago pabagong init at lamig sa mundo.
kaya't ang mga eksperto ay naglunsad ng isang paraan para kahit papaano ay mabawan ang epekto ng nasabing isyu.
Kung mapapansin, sa palengke maging sa mga grocery stores ay usong uso ang mga plastic bags na siyang pinaglalagyan ng mga pinamili natin sa araw araw.
Hindi rin maiiwasan na atin itong itapon sa kung saan saan. Paglayan ng mga marurumi nating pinagkainan na gawa rin sa plastic. Na isa rin sa mga dahilan ng paglaki at pag-angat ng Global Warming sa mundo.
Sa ngayon ay may iba't ibang ECO BAGS na tayong ginagamit na pupwedeng gamitin muli kung tayo ay may bibilhin sa palengke o mamimili sa grocery.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga ECO BAGS..
Kung wala pa kayong eco bag sa inyong mga bahay, ngayon palang ay gumamit na kayo upang makatulong sa pagbawas ng polusyon dito sa ating mundo.
Ikaw? Anong magagawa ng isang kagaya mo para makatulong sa ating mundo maging sa ating inang kalikasan?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento