Martes, Agosto 30, 2016

SNAPCHAT

SNAPCHAT!



Sino nga ba naman ang hindi nawili dito sa kaka-selfie? Yung tipong halos buong gallery ng cellphone niya, puro mukha niya. Lalo na ngayon, madami ng lumalabas na application na pampaganda sa pictures.

Eto na nga't lumabas ang isang app na talagang tinangkilik ng masa. Ang SNAPCHAT! Isang image messaging at MMA o Multimedia Mobile Application na orihinal na nilikha nila Evan Spiegel, Bobby Murphy at Reggie Brown nung sila ay nag-aaral pa sa kolehiyo.

Bago pa man maging Snapchat ang pangalan ng famous app, nakilala muna ito bilang "PICABOO".
Ang ideyang ito ay hindi para ilabas sa market kundi ito ay isa sa mga class project lamang ni Spiegel sa Stanford. ANg ideyang ito ay para sa masa na makakonekta sa iba't-ibang tao gamit ang mga imahe nila at maikling video.
Di naglaon, ginawan ni Murphy ng source
code ang isang simpleng class project lang ni Spiegel at ang app na Picaboo au unang inilabas bilang iOS-only app noong July 2011. Matapos ang dalawang buwan nang paglabas nito sa app market, binago nila ang pangalan nito at ginawang SNAPCHAT.

Kumalat at lumago ang app na snapchat. Maging dito sa Pinas. Tinangkilik ang nasabing app kung saan pag nag-picture ka ay may iba't ibang uri ng face designs. Pwedeng Pretty ka masyado. Merong nagiging Aso ang itsura mo. O kaya minsan Horror. The best din yung medyo comedy yung itsura mo.

Ikaw ba? Isa ka din ba sa mga gumamit ng Snapchat app? Kung hindi mo pa nagagamit o nadidiscover ang app na ito, try mo na! Siguradong mag-eenjoy ka din! :)

NBA 2K SERIES

NBA 2K SERIES!

Ang larong basketball sa ngayon ay tunay na kilala at tinatangkilik sa buong mundo. Maging dito sa pinas ay nilalaro ito. Kahit saang lugar, basta may makita kang covered court o kahit maliit na basketball ground. May makikita kang naglalaro nito. Mapa-bata o matanda. Kahit gawa lang yan sa simpleng kahot at bakal. Pwede na. Hobby na kasi yan ng kalalakihan.

Nagsimula ang NBA 2K Series noong 1999. Ang NBA 2K Series ay isang video game na dinivelop at inilabas para sa mga mahilig sa sports na basketball.
Ito ay orihinal na pagmamay-ari ng SEGA Dreamcast at ipinapalabas sa EA Sports. Noong 2005, ibinenta ng Sega ang NBA 2K series sa take-two interactive.

Di naglaon, nakagawa na ng halos mahigit sa 15 series ang NBA 2K na p
wedeng malaro sa PSP, XBOX360, PS3 at PS4, at ang iba ay pwede ng laruin ng 3D.

Narito ang buong series ng NBA 2K magmula ng ito ay mailabas.

NBA 2K - released date November 10, 1999
NBA 2K1 - released date November 1, 2000
NBA 2K2 - released date October 24, 2001
NBA 2K3 - released date October 7, 2002
NBA 2K4 - released date October 21, 2003
NBA 2K5 - released date September 28, 2004
NBA 2K6 - released date September 26, 2005
NBA 2K7 - released date September 25, 2006
NBA 2K8 - released date October 8, 2007
NBA 2K9 - released date October 7, 2008
NBA 2K10 - released date October 6, 2009
NBA 2K11 - released date October 5, 2010
NBA 2K12 - released date October 4, 2011
NBA 2K13 - released date October 2, 2012
NBA 2K14 - released date October 1, 2013
NBA 2K15 - released date October 7, 2014
NBA 2K16 - released date September 29, 2015

Ang NBA 2K Series ay annually kung mag-release at ngayong September 20, 2016 ay ilalabas ang NBA 2K17 sa lahat. Kaya para sa mga mahilig sa basketball dyan... Bakit hindi niyo pa kumpletuhin ngayon ang NBA 2K Series? Go Basketball Fans!

POKEMON GO!

Pokemon Go!





Malayo-layo na rin ang narating ng larong Pokemon sa mundo. Nakagawa na rin ito ng kasaysayan at nakapagtala na ng sariling pangalan hindi lamang sa mga kabataan kundi maging sa mga nakatatanda na siyang unang nakasaksi sa palabas ng unang pokemon sa mundo.

Nagsimula sa Simpleng GAME BOY ang larong pokemon, hanggang sa naging digital pokemon game boy. Naging playing cards din ito. Naging Manga sa Japan at kumalat sa buong mundo. Di naglaon, ipinapalabas na ito sa television at nakabuo na ng mga pelikula. Kagaya ng Mewto Strikes Back. Ang unang pokemon film magmula ng mai-release ang nasabing game. Tinangkilik ng marami kung kaya't nasundan pa ng iba't ibang pelikula at seasons.
Nagkaroon ng Diamond and Pearl Season na nai-released noong 2004. Sinundan ng Battle Revolution, Johto's Heart and Soul, Pokemon Black and White, Pokemon Platinum, Pokemon Gold and Silver at iba pa.

Ngayong taon, sa pagdiriwang ng Pokemon Family at Founders nito ng 20 Year Anniversary ng pagkakatatag nito sa mundo. Dinala nila sa makabagong mundo ang mga pokemon. Papaano? Maari mo na silang mahuli at gamitin sa battle field sa mga pokemon gyms at ilaban.

Gamit lang ang iyong Cellphone... Mag-register sa app ng Pokemon GO. Matapos nito, i-customize na ang iyong profile at avatar. Pagkatapos, buksan ang GPS para malaman ang kinaroroonan mo. And Wallah! Pwede ka ng maging Pokemon Master! Gotta Catch 'em all!

Sa ngayon, halos 130 million na ang nagda-download ng pokemon Go worldwide. At ngayon, nandito na din ito sa Pilipinas! So, Ano pa hinihintay mo? Laro na and experience the world of Pokemon.

JAMES B. PAUIG

The Official Blog site for Elective 4 | James Ballesteros PauigENROLLED!
| Bachelor of Arts in Broadcasting IV-A |