TATTOO! Isang body modification na kung saan ginagamitan ng ink para maipinta ito sa katawan. Ngunit permanente na ito. Pero sa panahon ngayon maaari na siyang tanggalin gamit ang laser.
At dito sa PILIPINAS ay mayroon pang natitirang tao na gumagamit ng tradisyunal na pagta-tattoo. Kilala mo ba siya? Kung hindi, panuorin natin ang video na ito.
Si Whang Od ay isang igorot na tinanghal bilang NATIONAL LIVING TREASURE o Gawad sa Manlilikha ng Bayan. Katumbas din ng posisyon bilang National Artist. Ito ay ang Pinakamataas na parangal sa isang tao sa Pilipinas.
Sa ngayon, sa edad na 97 ay patuloy padin ang pagbabatok o tattoo sa kasalukuyan si Whang Od. At karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi na alam ang ganitong tradisyon sa ating bansa.
Mabuhay ka Alagad ng Sining!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento