Martes, Agosto 30, 2016

POKEMON GO!

Pokemon Go!





Malayo-layo na rin ang narating ng larong Pokemon sa mundo. Nakagawa na rin ito ng kasaysayan at nakapagtala na ng sariling pangalan hindi lamang sa mga kabataan kundi maging sa mga nakatatanda na siyang unang nakasaksi sa palabas ng unang pokemon sa mundo.

Nagsimula sa Simpleng GAME BOY ang larong pokemon, hanggang sa naging digital pokemon game boy. Naging playing cards din ito. Naging Manga sa Japan at kumalat sa buong mundo. Di naglaon, ipinapalabas na ito sa television at nakabuo na ng mga pelikula. Kagaya ng Mewto Strikes Back. Ang unang pokemon film magmula ng mai-release ang nasabing game. Tinangkilik ng marami kung kaya't nasundan pa ng iba't ibang pelikula at seasons.
Nagkaroon ng Diamond and Pearl Season na nai-released noong 2004. Sinundan ng Battle Revolution, Johto's Heart and Soul, Pokemon Black and White, Pokemon Platinum, Pokemon Gold and Silver at iba pa.

Ngayong taon, sa pagdiriwang ng Pokemon Family at Founders nito ng 20 Year Anniversary ng pagkakatatag nito sa mundo. Dinala nila sa makabagong mundo ang mga pokemon. Papaano? Maari mo na silang mahuli at gamitin sa battle field sa mga pokemon gyms at ilaban.

Gamit lang ang iyong Cellphone... Mag-register sa app ng Pokemon GO. Matapos nito, i-customize na ang iyong profile at avatar. Pagkatapos, buksan ang GPS para malaman ang kinaroroonan mo. And Wallah! Pwede ka ng maging Pokemon Master! Gotta Catch 'em all!

Sa ngayon, halos 130 million na ang nagda-download ng pokemon Go worldwide. At ngayon, nandito na din ito sa Pilipinas! So, Ano pa hinihintay mo? Laro na and experience the world of Pokemon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento