
Sino nga ba naman ang hindi nawili dito sa kaka-selfie? Yung tipong halos buong gallery ng cellphone niya, puro mukha niya. Lalo na ngayon, madami ng lumalabas na application na pampaganda sa pictures.
Eto na nga't lumabas ang isang app na talagang tinangkilik ng masa. Ang SNAPCHAT! Isang image messaging at MMA o Multimedia Mobile Application na orihinal na nilikha nila Evan Spiegel, Bobby Murphy at Reggie Brown nung sila ay nag-aaral pa sa kolehiyo.

Bago pa man maging Snapchat ang pangalan ng famous app, nakilala muna ito bilang "PICABOO".
Ang ideyang ito ay hindi para ilabas sa market kundi ito ay isa sa mga class project lamang ni Spiegel sa Stanford. ANg ideyang ito ay para sa masa na makakonekta sa iba't-ibang tao gamit ang mga imahe nila at maikling video.
Di naglaon, ginawan ni Murphy ng source
code ang isang simpleng class project lang ni Spiegel at ang app na Picaboo au unang inilabas bilang iOS-only app noong July 2011. Matapos ang dalawang buwan nang paglabas nito sa app market, binago nila ang pangalan nito at ginawang SNAPCHAT.
Kumalat at lumago ang app na snapchat. Maging dito sa Pinas. Tinangkilik ang nasabing app kung saan pag nag-picture ka ay may iba't ibang uri ng face designs. Pwedeng Pretty ka masyado. Merong nagiging Aso ang itsura mo. O kaya minsan Horror. The best din yung medyo comedy yung itsura mo.
Ikaw ba? Isa ka din ba sa mga gumamit ng Snapchat app? Kung hindi mo pa nagagamit o nadidiscover ang app na ito, try mo na! Siguradong mag-eenjoy ka din! :)